Hello my eberdeeres kasin!!!
So kamusta naman ang first weekend mo as clinical resource nurse? At kamusta din ang valentine's nyo ni Liit? Uy, natanggap mo ba yung e-card na pinadala ko sayo for Valentine's Day?
May kwento ako sayo... may pagkaeng-eng din pala ang ilan sa mga kano ano? Kasi dun sa online course, dapat may ipapadala silang Course Book, yun ata yung parang textbook for the r _ _ _ _ _. E nakalipas na ang 7 working days, hanggang ngayon wala pa. So nag-email ako sa K _ _ _ _ _ para magfollow-up. E may sumagot na out of office reply pero nagbigay ng no. na puwede kong tawagan. Tinawagan ko. In short, ganito ang nangyari sa shipment.
Trinack kasi nung custserv yung shipment ko, kung nasaan na and everything. Ang nakalagay e 'undelivered because of incomplete address.' Sabi ko, 'pano'ng magiging incomplete address, e andito ang complete address ko sa receipt na ine-mail nyo saken.' So inisa-isa namin yung lines sa address ko. Pagdating ng Singapore, napatigil yung custserv... e sasabihin kasi dapat niya, Singapore Thaila....
Hasusmaryosep, e saan ka naman nakarinig ng Singapore Thailand?
So binigay saken ang tracking no. tsaka phone no. ng U _ _ dito sa Singapore. Naglog on si fafa Jay. Andito na nga siya sa Singapore pero hindi madeliver dahil nga dun sa Singapore Thailand na yon. Nakita namin dun as of yesterday e nasa Singapore pa siya. Nung 14 pa dumating. E siguro kung hindi pa ko tumawag, sinoli na ng U _ _ yon sa merika. Mamaya mga 8am (office hours) tatawag ako para i-correct yung mali ng kung sinong eng-eng yung naglagay sa tag na Singapore Thailand ang address ko.
Hehe... ganda ng umpisa ng araw ko no? Comedy!!!
Sana masaya din ang araw mo.
Labsyu and ingat!
Jet
0 Comments:
Post a Comment
<< Home