Friday, January 10, 2003

Early Saturday afternoon... I'd like to blog some more about our 3 week vacation home but Jay and I are due to town in a few minutes for one of our weekend breaks. It's my birthday weekend and this is supposed to be a treat-day for me... hmmm...

It's a bit sad about how it turns out with friends when you don't see them as often and as regularly anymore. Actually, I feel it's really, really sad...

Hi Meg...:)

Thank you for visiting our website again... and Happy New Year to you too! Loka ka ha, hindi ka man lang daw nagparamdam nung nasa Pinas ka. But I for one understands. Maikli lang ang bakasyon mo and sometimes it's not enough to meet up with everybody... siyempre pag ganon, priority mo ang pamilya. So sakin, ok lang. Actually medyo nagtatampo ako sa kanila. Kasi naman, as in several weeks before tayong umuwi, mega-announce na tayo na padating nga tayo. Feel ko lang, if they really wanted to see us medyo nag-arrange na sana sila ng get-together dahil sila naman ang sama-samang nandoon. E tumawag ako kay Zelle, tawagan ko raw si Agnes. Tumawag ako kay Agnes, di ko maabutan either sa bahay or sa office. I left a message that I called and if she could return my call... hindi tumawag. Kahit si Zelle di na tumawag para alamin kung ano na ang nangyari. Ako ang dumating, pag-ayusin ba ako ng get-together. Kaya ayun, give up na lang ako. Ubusin ko ba ang mga araw ko kaka-contact sa kanila. Di ba ang labo mama?

So ako rin, bukod sa mga tawag, di na rin nagparamdam. Truth be told, hindi naman nagkulang ang saya ng bakasyon ko dahil hindi ko sila nakita. Si Raquel nga pala, tumawag day before ako umalis. Pauwi na siya non from the office. Sabi niya tatawag siya later that night.... awa ng Diyos, hindi rin tumawag. Siguro malabo na talaga ano?... Nobody even cares to give us the time of day anymore. Oh well...

Jet

hello, jet! thanks 4 understanding........... ur right! dpat cla ang nagorganise ng get together, hindi tayo............ sorry din kasi i was very busy with loads of things 2 do.........and besides, nagkasakit pa ko, di ako nakabangon eh niloloko nga ko ng brother ko sabi nya...."ate, sa london ka ba galing o sa hospital ni hindi ka matayo ehhhhhhhh" kasi nga nagrelax mga muscles ko sa back kaya siguro sumpong na naman sakit ko.............well enewei, tampo din c carla kasi akala nya kikita kami, nasa cavite ako sa mama ko me sakit kasi eh, siyempre family ko muna as in my dear mum , brothers n sis ang kasama ko. nasa haus nga lng ako, ni ala nga gudtime eh, ni ala casino, bar.............so what? at least i spent my time with my family,i really missed 'em a lot...............kahit ala na daddy ko we still keep each other together............. sobra sa gastos dyan sa pinas buti di ako na-over sa budget ko kung di yari ako kay roderick..........alang sayang... sa december uuwi kami talaga cguro for 4 weeks para c rod makapag bakasyon naman, ayaw nga talaga umuwi pinipilit ko lng para naman marefresh sa work n pressure d2, mega ipon na naman ako ngayon for next uwi sa pinas. i promised rod na punta kami sa switzerland sa march, gus2 mag skiing ng panget eh, di nakuntento sa snow d2 (it snowed-hard d other day) sobra sa lamig, kaya i don't fancy going out of the haus aside kung mag grocery, m a housewife remember!!!

at last, m off for 3 days after 7 days of straight duty,punta kami sa monday sa home office kasi his visa needs to be extended. pwede na tayo chat 'no!!!! tagal na kita wait sa yahoo kaso i thought me tampo ka............. chat uli tayo ha...............

take care, love you jet

meg

Sinabi mo pa. Kami nga ni Papa lagare sa family niya at family ko... isama mo na ang mga kapitbahay at iba pang kaibigan pero parang kulang pa rin ang 3 linggo. Di na nga namin nakita ang mga ibang kamag-anak, may mga salo-salo pa kaming hindi napuntahan. Pagka-abalahan ko pa ba ang mga taong walang panahon sakin? Oo nga pala, sabi ni Zelle punta daw siya ng States nung 27... di ko alam kung natuloy kasi di na nga kami nagkausap ulit. Siguro natuloy... may balita ka ba? Si Racquel naman wala na sa dati niyang work. Nagsama-sama daw silang mga managers at nag-pitch in ng tig 100K to set up their own telecoms business. Sana nga mag-succeed ang mader dahil medyo malaki rin ang stakes niya.

Wag ka na kasing mag-gudtime pag umuuwi ka para menos gastos. Ano pa ba naman ang di mo magu-gudtime sa Pinas na wala dyan sa London? Talaga namang ganon ang ginagawa pag nagbabalikbayan... mega-reunion sa mga kamag-anak... pangalawa ang mga kaibigan (yung mga may panahon lang ha... hehehe... ). Kahit kasi ano'ng haba ng bakasyon, parang maikli pa rin. Mas maiging makasama mo ang mga mahal mo sa buhay kesa sa kung ano pa ang gawin mo. Nun ngang nandoon kami, after the new year get-together sa bahay ng mga mommy ko, depressed na depressed ako. For one thing, tapos na ang mga happening and even if we still had a couple of activities planned, di na maikakailang malapit na kami uling umalis. Tinanong ko nga si Papa if we're doing the right thing... kasi we're spending our days away from home where we have aging parents and nephews and nieces growing up not knowing us. Nung nasa Pinas kami, lahat ng birthday, graduation, anniversary, pasko at kung anik-anik pa, lagi kaming present... ngayon, ang daming occasion na nagdadaan na di namin sila nakakasama. Pero naisip ko rin, kung nasa Pinas nga kami pero pare-pareho kaming gutom, di rin maganda di ba? Well, it's not as if coming here to Singapore has solved everybody's financial problems... pero kahit papano, pag may nangailangan ng tulong or financial support mas capable kaming makatulong and if not that, at least pag umuuwi kami e nakaka-experience ng pasalubong from abroad ang mga mahal namin sa buhay... just little things to make them smile every once in a while. Por eksampol, kung ikaw ba e nagtatrabaho sa Pinas at kumikita ng 10K a month at kailangan mong paikutin yun para buhayin ang 3 or 4 kids, bibili ka pa ba ng shower gel o safeguard na lang? O di ba, pag paminsan-minsan makatikim ka ng shower gel at mag-iba ang amoy mo, nakakatuwa na rin?... hehehe...

Wala lang, nagse-senti lang ako. Sabi ni Papa, nung isang araw nabasa daw niya sa dyaryo, may findings re the existence of 'post-vacation depression'. Duda ko pareho naming nae-experience yon ngayon. Panay kasi ang yaya namin sa isa't-isa, uwi na tayo. Joks lang naman pero I know totoo ang intention, kung puwede nga lang. Eto nga nag-email ang Darlene, binibilang na daw niya ulit ang mga buwan hanggang sa pag-uwi namin ulit sa May. Golden wedding anniv kasi ng mga parents namin kaya siyempre, uwi ulit ako.

Sige lang ng sige, kung gustong magbyahe ni Rod, humayo lang kayo. Tutal kaya naman ng funds nyo di ba? It's good for you to do these things now while you're currently earning, kesa pagplanuhan nyong gawin pag nagretire na kayo, tapos yung ipon nyo ang lulustayin nyo para sa mga bagay na ganito. Basta wag nyo lang kalimutang mag-ipon para naman pag talagang di nyo na ma-take ang abroad e kaya nyong bumalik sa Pinas anytime you want. Mama, ano na ba ang nangyari sa plano mong bumili ng bahay? Gawin mo na rin yan ngayon habang kumikita ka. Same rationale... pag ginawa mo yan pagretire mo at nakabalik ka na sa Pinas, ubos din ang ipon mo. Save for your old age, lalo na kung di nyo plano o di kayo mabiyayaan ng anak, for one reason or another. You have to prepare to take care of yourselves... like we're doing. Kahit gano tayo ka-love ng mga kamag-anakan natin, we can't expect them to take care of us di ba?

O sige na... pupunta kami sa town ngayon kasi ibibili daw ako ni Papa ng Rolex (Rolex ka dyan... baka galisin ang braso ko at di sanay no) for my birthday gift... hehehe. Tapos nood kami ng Lord of the Rings 2, sabay kain ng favorite naming Ramen sa Aiji-yan. See how we amuse ourselves with simple things? Yon lang masaya na kami, kahit nga stay lang sa house... treating ourselves to a binge of tv dinners at kung anik-anik na chichirya... higa sa kama at nood ng dvd... masaya na kami... just to have a break from a week of slavery... hehehe.

Ingat lagi Meg at sana talagang makapag-bakasyon na kayo sa Dec. Kita tayo... kahit tayong 2 lang, I don't care. Pag ganito na pala ang experience mo... di na nagiging importante ang marami... ang importante yung nagkukusa... get what I mean?

See you on chat. Love you.

Jet

0 Comments:

Post a Comment

<< Home







"It's in the simplest existence,in the humblest company and in the emptiest moments that I learned to appreciate what I had... and find happiness right where I was. I didn't have to reach far and dream big. One can only be as big as one sees oneself. The world will always be bigger still... and God, even more."


California, 2005
Bintan, 2005
Christmas, 2004
New Zealand, 2004
Bintan, 2004
Genting, 2004
California, 2004
B-day in Singapore, 2004
Christmas, 2003
Philippines, 2003
Christmas, 2002
Beijing, 2002
Singapore, 2001-2002


HOME BREWED
di-VERSE-ified
I Dare
The Junkyard

MY CAFFEINE FIX
Tahanan
Kwentong Tambay
Kanta ni BatJay
Ang Makatang Hilaw
The 1001 Lives of Mr. BatJay
Where is Spiderman?
Mga Palabas ni BatJay
Komiks ni Batjay
Batpics

ON THE COFFEE TABLE
Pansitan.net
One Question
Pinoy Expats
CreativeXpressions
Happy Nest

REBELS WITHOUT BECAUSE
Blogkadahan
Ajay
Apol
Ate Sienna
BatJay
Bong
Jade-N-Mom
Jop
Joyce
Karla
Kiwi Pinay
Lolo Jose
Mari
MayaMaya
Mec
Tito Rolly
Tatang Rome
Ruth
Sachiko
Sassy
Svelte Rogue
Tanya
Tingaling
Tintin
Toni
Watson
Zennor

OVER A CUP
Leah
Christine
Jennie
Jobert
Melissa
Cathy
Gigi
Jessie
Sara
Owen

BREWMASTERS
Short Poetry
cbsMagic
Memento
Bopis Ref
Quiet Rivers

KOOL BREWS
The Passionate Pilgrim
Intelekwal Interkors
Martinong Kulugo's Notebook
Red234
Hazelnut Caramel Mocha
Inside My Head
Tales of a Newlywed
Sabitski Point
Bang and Blame
Japa Yupki Girl
Sandalwood and Chamomile
Karampot's Corner
Captured Moments
Kat's Scribbles
Palabok.com
Adventures in and Around the Bay Area
Back to Curing my Loquacious Mind
As Our Dreams Unfold
Mrs. G
A Man of My Town
Aya's Site
Clareski

DECAF
Amoores
The I Love Blog
Soft Grumbles
The Best is yet to Come
Manilena
Pinoy Cook

COFFEE BEANS
Putting it Simply
In Times of Pain
Neocatastrophic's Journal
Le Monde de Amelie
Pinay Mommy


MAY '09
APR '09
FEB '09
JAN '09
DEC '08
NOV '08
OCT '08
SEP '08
AUG '08
JUL '08
JUN '08
MAY '08
APR '08
MAR '08
FEB '08
JAN '08
OCT '06
SEP '06
MAY '06
JAN '06
DEC '05
NOV '05
OCT '05
SEP '05
AUG '05
JUL '05
JUN '05
MAY '05
APR '05
MAR '05
FEB '05
JAN '05
DEC '04
NOV '04
OCT '04
SEP '04
AUG '04
JUL '04
JUN '04
MAY '04
APR '04
MAR '04
FEB '04
JAN '04
DEC '03
NOV '03
OCT '03
SEP '03
AUG '03
JUL '03
JUN '03
MAY '03
APR '03
MAR '03
FEB '03
JAN '03
DEC '02
NOV '02
OCT '02
SEP '02
AUG '02
JUL '02
JUN '02
MAY '02
APR '02