E kayo, may nakikita ba kayo'ng bright side sa giyera?
Anyway, ang talagang kuwento ko ay ito. Siguro, mga 3 weeks na naming hawak ang mga tickets sa Rolling Stones concert. Habang lumilipas ang mga araw, bilang kami ng bilang... as in countdown. Sobrang excited. Kanina nga, tumawag pa si Papa para sabihin sa aking maaga maligo dahil dapat before 8 andun na kami sa Singapore Indoors Stadium. So maaga akong nagluto ng dinner (mahal kasi ng ticket kaya wala nang kain-kain sa labas) at maagang naligo. Si Papa, maaga ding umuwi. Dali-dali kaming kumain at impunto alas-siyete, papunta na kami sa venue. North entrance ang pasok namin... so sakay kami ng elevator, sabay ng mga puti na karamihan ay mga lolo at lola na, nakipila, pamasid-masid sa mga tao... trying to feel the ambience. Pagdating sa entrance, inabot ni Papa ang mga tickets namin sa usher. Pupunitin na lang nung usher ang stub nang mapa-second look siya. Ngeek, Wednesday pala ang schedule naming manood.
O di ba, kahit hindi kami pelikula, may bloopers din kami. Kaya ang saya namin e... hehehe.
Si Bush kasi e... ayan tuloy.
Jumping jack flash....
0 Comments:
Post a Comment
<< Home