Friday, April 11, 2003

Padala sa akin ni Agnes... butihing ina ni Sultan at maybahay ni Chester... magaling sa sales, pursigido sa trabaho at mabuting kaibigan. Mahusay din siyang kumanta... sa karaoke, ang paborito niyang kantahin ay 'The Spy Who Loves Me' at ang paborito niyang ka-duet ay ako. Pag nalalasing yan, tatawa lang yan ng tatawa. Miss ko na si Agnes.

Kapayapaan Noong Wala Pang Kaunlaran

Heto ang kapayapaan na alam namin, noong wala pang kaunlaran...

Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan;
Walang mga bakod at gate ang magkakapit-bahay, kung meron gumamela lang;
10 sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga, singko sa hapon;
Merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo;
Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay Maestro o Maestra;
Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mo kakilala;
Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic, o kaya sa tumana;
Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal's office o kaya malaking kahihiyan kapag bagsak ka sa exams;
Simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang mga anak...
Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala; wala namang lock ang mga jeep na Willy's noon.
Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili: trak-trakan (gawa sa rosebowl ang katawan at darigold na maliit ang mga gulong), "sketeng" (scooter) na bearing na maingay ang mga gulong at de-sinkong pako para sa preno, patining na pinitpit na tansan lang na may 2 butas sa gitna para suotan ng sinulid (pwede pang makipag-lagutan), sumpak, pilatok, boca-boca, borador, atbp.;
Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata: kasi laro nga iyon;
Maraming usong laro at maraming kasali: lastiko, gagamba, turumpo, tatsing, at tumbang preso, pera namin ay kaha ng Philip Morris, Malboro, Champion o kaya ay tansan (kahon-kahon yon!);
Ang walang kamatayang teks, sa dami ng naloko, dami ring pwet ang natamaan ng palo ni Nanay at Tatay, pero pag inisip mo ngayon di mo mapigilang di mangiti;
May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli tutubi, nandadakma ka ng palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging dahil sa kulugo;
Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas - suot mo pa rin;
Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa lupa;


Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology... di ba minsan nangarap ka na rin... mas masaya noong araw! Sana pwedeng maibalik...
Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay, nakikidnap, maraming addict at masasamang loob...
Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at lola.
Pero ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong mapahamak o mapariwara...
Na una silang nasasaktan pag pinapalo nila tayo...


Balik tayo sa nakaraan kahit saglit...
Bago magkaroon ng internet, computer, at cellphone.
Noong wala pang mga drugs at malls.
Bago pa nauso ang counter strike at mga game boys.
Tayo noon... Doon...


Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag maliwanag ang buwan;
Ang pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan ng mga daliri pag nanonood ka ng nakakatakot sa "Mga Aninong Gumagalaw"
Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na kabisado natin, kasi wala namang calculator. Abacus lang ang meron tayo...
Pag-akyat natin sa mga puno, pagkakabit ng kulambo; lundagan sa kama;
Pagtikwas o pagtitimba sa poso, pingga ang pang-igib ng lalake at may dikin naman ang ulo ng babae;
Inaasbaran ng mga suberbiyo ang usansiya;
Nginig na tayo pag lumabas na ang yantok-mindoro o buntot-page;
Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton sa pwet para hindi masakit ang tsinelas o sinturon?
Pamimili ng bato sa bigas, tinda-tindahan na puro dahon naman, bahay-bahayan na puro kahon; naglako ka ba ng ice-candy o pandesal noong araw?
Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga, pagtawa hanggang sumakit ang tiyan;
Meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong?
O kaya ng lukaok, susuwi at espada?
Susmaryosep ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata... Estigo santo kapag nagmamano.
Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo, matakot sa "berdugo" at sa "kapre";
Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale ni itay kasi may tinola!
Yung crush mo? Di ka pansin pero masaya ka ng makita araw-araw;
Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay - alembong, taeng-kabayo, kulangot, o biscocho?
Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang libreng singsing) o kaya nougat o karamel;
Kung gusto mo naman - pakumbo o kaya kariba, mas masaya kung inuyat;
Puriko ang matika, at mauling na ang mukha at ubos na ang hininga mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy;


Madami pa...
Akyat sa puno ng alatiris ni Mang Kiko pag tanghaling tapat, pagnagising, habol kami ng patpat;
Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas sa pagitan ng daliri para sa sawsawan, ang palutong pag isawsaw sa sukang may siling labuyo, ang duhat kapag inalog sa asin, ang isa-sang isubo ang daliri kasi puno na ng kanin...
Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog;
Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli ka; o naghahanap ka ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan;
Lipstick mo ay papel de hapon;
Labaha ang gamit para sa white-side-wall na gupit;


Naglululon ka ng banig pagkagising, matigas na amirol ang mga punda at kumot; madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon, di ba? Pwede rin sa laylayan...
May mga program kapag Lunes sa paaralan;
May pakiling kang dala kung Biyernes kasi magi-isis ka ng desk.


Di ba masaya? Naalala mo pa ba?
Wala nang sasaya at gaganda pa sa panahon na yon...
Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang ina-alaala iyon...


Di ba noon... Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na "sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?" Pag ayaw ang resulta di ulitin: "sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?"...

Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. Haw haw de karabaw batuten...

Presedente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman;
Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti;
Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa;
Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka, kapag buro ka sa pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen.


Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero sila ang tinatawag natin pag napapa-trouble tayo;
Di natutulog si Inay, nagbabantay, pag may trangkaso tayo meron tayong skyflakes at Royal sa tabi.


Kung naaalaala mo ito... nabuhay ka na sa KAPAYAPAAN!

Pustahan tayo nakangiti ka pa rin!
Nasa iyo ang susi... paki-buksan lang kaibigan
Pwede ba ibalik ang kahapon? Laro na lang tayo ng tatsing. Mas gusto ko yon kesa sa sing-along na madaya ang scores.


Disclaimer: Di ko naman ikinakaila na may edad na ako, pero plis lang... di ako relate sa karamihan ng nakalista dito. Pero kahit papano, napapangiti ako kasi, sa buhay ko, nalaman ko rin yung simple at yung masaya. Siguro, masasabi ko na rin na nabuhay na ako sa kapayapaan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home







"It's in the simplest existence,in the humblest company and in the emptiest moments that I learned to appreciate what I had... and find happiness right where I was. I didn't have to reach far and dream big. One can only be as big as one sees oneself. The world will always be bigger still... and God, even more."


California, 2005
Bintan, 2005
Christmas, 2004
New Zealand, 2004
Bintan, 2004
Genting, 2004
California, 2004
B-day in Singapore, 2004
Christmas, 2003
Philippines, 2003
Christmas, 2002
Beijing, 2002
Singapore, 2001-2002


HOME BREWED
di-VERSE-ified
I Dare
The Junkyard

MY CAFFEINE FIX
Tahanan
Kwentong Tambay
Kanta ni BatJay
Ang Makatang Hilaw
The 1001 Lives of Mr. BatJay
Where is Spiderman?
Mga Palabas ni BatJay
Komiks ni Batjay
Batpics

ON THE COFFEE TABLE
Pansitan.net
One Question
Pinoy Expats
CreativeXpressions
Happy Nest

REBELS WITHOUT BECAUSE
Blogkadahan
Ajay
Apol
Ate Sienna
BatJay
Bong
Jade-N-Mom
Jop
Joyce
Karla
Kiwi Pinay
Lolo Jose
Mari
MayaMaya
Mec
Tito Rolly
Tatang Rome
Ruth
Sachiko
Sassy
Svelte Rogue
Tanya
Tingaling
Tintin
Toni
Watson
Zennor

OVER A CUP
Leah
Christine
Jennie
Jobert
Melissa
Cathy
Gigi
Jessie
Sara
Owen

BREWMASTERS
Short Poetry
cbsMagic
Memento
Bopis Ref
Quiet Rivers

KOOL BREWS
The Passionate Pilgrim
Intelekwal Interkors
Martinong Kulugo's Notebook
Red234
Hazelnut Caramel Mocha
Inside My Head
Tales of a Newlywed
Sabitski Point
Bang and Blame
Japa Yupki Girl
Sandalwood and Chamomile
Karampot's Corner
Captured Moments
Kat's Scribbles
Palabok.com
Adventures in and Around the Bay Area
Back to Curing my Loquacious Mind
As Our Dreams Unfold
Mrs. G
A Man of My Town
Aya's Site
Clareski

DECAF
Amoores
The I Love Blog
Soft Grumbles
The Best is yet to Come
Manilena
Pinoy Cook

COFFEE BEANS
Putting it Simply
In Times of Pain
Neocatastrophic's Journal
Le Monde de Amelie
Pinay Mommy


MAY '09
APR '09
FEB '09
JAN '09
DEC '08
NOV '08
OCT '08
SEP '08
AUG '08
JUL '08
JUN '08
MAY '08
APR '08
MAR '08
FEB '08
JAN '08
OCT '06
SEP '06
MAY '06
JAN '06
DEC '05
NOV '05
OCT '05
SEP '05
AUG '05
JUL '05
JUN '05
MAY '05
APR '05
MAR '05
FEB '05
JAN '05
DEC '04
NOV '04
OCT '04
SEP '04
AUG '04
JUL '04
JUN '04
MAY '04
APR '04
MAR '04
FEB '04
JAN '04
DEC '03
NOV '03
OCT '03
SEP '03
AUG '03
JUL '03
JUN '03
MAY '03
APR '03
MAR '03
FEB '03
JAN '03
DEC '02
NOV '02
OCT '02
SEP '02
AUG '02
JUL '02
JUN '02
MAY '02
APR '02