Di bale, ok lang yun... because...
UUWI KAMI NG PILIPINAS!!! Yippeeee!!!
Dapat cruise sa Malacca, parang regalo saken ni fafa. Kaso ang mahal, tapos asar-talo pa sa schedule. I-consider bang week-end cruise e Linggo ng gabi ang alis tapos Martes ng tanghali ang balik. Ano namang klaseng weekend yun? E hindi puwede si fafa. Biglang tanong ni fafa, 'O, gusto mo ba ng cruise o uwi tayo ng Pilipinas?"
Puwede ka ba?
Oo, aayusin ko lang sched ko, puwede na tayong umalis sa Sabado.
Jasko, biglang huminto ang puso ko... hahahaaay!!!
Pilipins, my Pilipins.... my eber belabed maderland... I will see you agen!!!
Pakiusap lang ha. Wag kang babagyo at wag ka ring babaha. Wag ka magba-brown-out. At ilayo mo kami sa mga isnatser at holdaper... sabagay ala naman silang mapapala... hehe... patiyempuhan mo na lang ako sa mga mabait na taxi driver, ok na. At naku! Please lang... please na please lang... pakibawasan naman ang trapik o.
Heh... biro lang. Kahit ano pang meron o wala ka, labs pa ren kita maderland. At paulit-ulit pa ren akong uuwi sayo basta't ipahintulot ng pitaka ni fafa.
SEE YOU IN 4 DAYS!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home