Hello mylab. Musta ka na dyan sa Shanghai? Buti naman at mukhang nag-eenjoy ka kahit trabaho ang dahilan ng pagpunta mo dyan. Masaya na rin ako kahit miss kita kasi masaya ka.
Ikaw naman, ok lang na pakialaman mo tong blogsite ko no. Mylab naman kita e... tsaka di ba, conjugal property tayo?... hehe. Salamat sa sulat mo dito mylab ha. Alam ko iniisip mo yung sinabi ko kahapon na pag malayo ka, basta nakakatanggap ako ng message galing sayo... SMS, email, phone call... kaya kong isipin na andyan ka lang sa office at uuwi din mamayang gabi. Kaya kong hindi isipin na milya milya ang layo mo saken, na pagtulog ko mamayang gabi wala akong katabi, at paggising ko bukas, isang tasang kape lang ang titimplahin ko. Basta naririnig ko boses mo minsan sa isang araw, masaya na ko at feeling safe na rin... kahit mag-isa pa rin ako. Ewan ko ba, ganito naman na ang trabaho mo mula nung umpisa pero hindi pa rin ako masanay-sanay.
Oo nga e, salamat na lang sa mga kaibigan na nang-aaliw saken, na hindi nakakalimot. Kung wala sila, ewan ko. Siguro panay ang abala ko sayo sa text at mapapamahal na naman ang bill natin sa telepono by the end of the month... hehe. Salamat na lang talaga sa kanila.
Sana nakilala ko rin si Steve... siguro mae-enjoy ko rin siyang kasama like Tom. Wag mo namang gulatin si Tom pagdating sa Beijing... pero sige, i-dare mong kumain ng exotic food... hehe... tingnan natin kung hanggang saan ang kaya niya. Sabihin mo, magbaon tuloy para mapatikim niya kay Ceci.
Talaga, binilhan ka ni Lau ng golf set? O ano, punta tayong Malaysia para makapagpractice ka?... hehe Teka, di ka ba mag-eexceed sa luggage allowance pag inuwi mo yan dito? hmmm... E, hehe... sana mylab sinabi mo na lang kay Lau, ibawas na lang sa rent natin, gaya ng ginagawa nila pag nagpapabili sila dito... hehe... baka lang malito e sabihin, 'O sige.'
Anyway, ingat ka rin dyan and have a safe flight to Beijing. I can't wait to see you again. Enjoy your weekend!
I love you!
P.S.
Bili ka uli ng stone carving dun sa shop across the hotel, past the Catholic Church. Remember we already have the pelican (?) standing on a turtle chaka yung vase so don't get those anymore. Tsaka what we have are done in burnt brown with random spots of cream... try to get the same shade para terno... hehe. Otherwise, just come back home. That's always enough for me.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home