Hello mga Kasins!
Hay, miss ko na kayo kala nyo. Musta na ba kayong lahat dyan mula nang natapos akong mambulabog senyo... hehe.
La lang. Unang-una e miss ko na nga kasi kayo. Pangalawa, gusto kong magpasalamat sa inyong lahat for making our visit really wonderful. Appreciate ko talaga lahat ng ginawa nyo saken habang andyan kami ni fafa Jay.
From eldest to youngest, walang batukan pag nagkamali ako sa pagkakasunod-sunod ha... para dun sa mga di ko nakuha ang email addy, pakiparating na lang sa kanila ang aming pasasalamat ha...
Auntie Mila - Thank you for the very warm welcome (ang sweet sweet nyo pa rin talaga) at salamat na rin po sa pagpapahiram nyo saken ng jacket. Kundi, siguro nanigas na ko sa San Fransisco... hehe. Nasa dry-cleaners na po ngayon yung jacket, pinalinisan ko na. Bukas, madadala ko na dyan para isoli senyo... ngek! I wish... hehe...
Auntie Nemie - Thank you for the dinner and imprompty reunion in your house. Salamat din po dahil kundi nyo ko pinagalitan kung bakit... (Sorry guys, as of press time, the rest of this sentence is too personal for the internet. Someday soon I'll tell you about it, promise. But not just yet.)
Kuya Kenn - Thank you for entertaining us in your house that afternoon. Inggit nga si Mommy saken nung kinwento ko kasi sabi niya siya daw hindi nakarating sa bahay mo... hehe. Pakisabi na rin kay Ate Alma salamat sa pansit palabok, pasensiya na't naabala pa siya. Nagsend ako sayo ng trial email e, di ko alam kung natanggap mo. Sana paramdam ka naman kung natanggap mo para alam kong ok.
Kuya Cesar - Thank you sa bigay mong pangnyapping ha... hehe. Nagamit ko ng husto nung dinala kami ng mga pinsan ni fafa Jay sa Ross. Ang dami kong nabili kasi mura lang yung paninda nila dun. Tuwang-tuwa talaga ako. Feeling rich ako nun... hehe. Thank you din sa pagsingit mo sa oras mo para makita ako. I know you're very busy kaya salamat talaga pinagbigyan mo ko. Sayang nga lang di ko nakita ang kambal mo... sana next time makita ko na sila.
Emy - Thank you sa shades ha tsaka sa pagpupuyat mo para mag-night shift para free ka habang andyan ako. Thank you din sa breakfast sa I-HOPS at nung araw ng pag-alis namin at thank you din sa pagdala saken sa puntod nila Uncle Tito at Uncle Simo. At thank you din sa words of encouragement. Ang laki-laki talaga ng nagawa nun para saken.
Alma - Maraming-maraming salamat talaga sayo at kay Cesar for hosting our stay in Sacramento, sa pagdala saken sa Krispy Kreme at sa mga goodies na binili nyo para remembering ko, sa mga shirts, sa pag-contact mo sa ating mga kasins para sa pagdalaw namen and most of all, sa mga ginagawa mo ngayon para matulungan akong... (Again, too personal. Sorry.) May email ka pang gusto kong sagutin and I will one of these days. Touched na touched kasi ako dun sa sinulat mo dun. Thank you talaga.
Layden - Touched ako sayo ha. Salamat dahil nag-absent ka pa sa trabaho para lang makasama ako. At hindi lang yon, humabol ka pa sa restaurant para lang makita ako bago kami umalis. Salamat din sa gift mo ha, danda-danda. May trial email din ako sayo e... ewan ko kung natanggap mo kaya ka napasyal sa website ko. Sagutin mo naman kung natanggap mo ha kahit alam kong hilong talilong ka rin sa kabisihan. Ang blog nga pala ay online journal. Kung interesado kang magkaroon ng website, puwedeng iset-up ni fafa Jay para sayo, magsabi ka lang. Ay, if anybody's interested to see my website, eto ang url... http://jetdavid.pansitan.net.
Leslie - Thank you din sayo sa paghost sa amen dyan sa LA, sa pagdala samen sa Disneyland na dream come true ko talaga, sa pagpasyal samen sa beach, sa pagluluto mo ng special adobo mo and for all the gifts you gave me. Alam ko napuyat ka sa kwentuhan natin kaya thank you din dun ha.
Jonjon - Thank you sa paglibre samen sa Macaroni Grill ha. Salamat talaga kasi alam kong tigagal ka dahil bigla na lang nasa harap mo na ako e wala kang kaalam-alam... hehe.
I'm really glad to see you all again. Ang tagal-tagal na no? Ang hirap din na kami-kami lang ang naiwanan sa Pinas kasi medyo malungkot, kami-kami lang pag pasko, pag mga birthdays and such. Nakakamiss yung mga bakasyon at Nov. 1 at mga okasyon na sama-sama tayo sa Cuyapo. At least ngayon nakilala ko na ang mga spouses nyo and most specially, yung mga anak ninyo. Ang kukyut nilang lahat. Ang ganda-ganda talaga natin no?... hehe. Wish ko lang talaga ngayon e madala si Daddy dyan para makita nya rin kayong lahat. I know it would make him really happy kasi alam ko na rin ngayon, there's nothing more difficult than to be away from your family and kinsfolk. Siguro pag nagawa ko yon, I would have done the best I could ever do for my father. At least si Mommy nakita na niya kayo dyan...
Well, that is not even mentioning my brothers and sisters. It's a big dream, but it always has been my dream. Sana ngayon, magkatotoo na.
At tsaka sana, pag nangyari yon, we can spend more time with each other... we really have a lot of time to make up for.
Sheeet!!! Hanovayan?!? Naiyak na ko ha!... hehe.
O siya, ayoko ng drama kaya hanggang dito na lang. Siguro this weekend, matatapos nang i-burn ni fafa Jay sa CD ang mga pictures ng buong trip namin, from LA to Sacramento to San Fransisco. As soon as he's done, i-me-mail ko senyo sa koryo ang CD... andaming pictures... 510 lahat lahat yun... hehe. Walang biro. Have a happy weekend everyone! Please take care of yourselves and again, from the bottom of our hearts, thank you all.
Love,
Jet
0 Comments:
Post a Comment
<< Home